Pagpapalabas ng Iyong Gatas
Maaaring kailanganin mong malayo sa iyong sanggol dahil sa trabaho, pag-aaral, o pati na rin ang panonood ng sine sa gabi. Hindi ito nangangahulugan na kailangan mong ihinto ang pagpapasuso. Mainam ang pagpapasuso sa iyong sanggol mula sa iyong mga suso. Kung kailangan mong malayo sa iyong sanggol, maaari kang maglabas ng gatas mula sa iyong suso. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pinakamahuhusay na paraan upang ipasuso sa iyong sanggol ang nailabas na gatas mula sa dibdib. Ngunit tandaan, huwag bigyan ang iyong sanggol ng bote o pacifier hanggang siya ay nasa 4 hanggang 6 linggo ang gulang, maliban kung kinakailangan nang mas maaga para sa mga kadahilanang pangkalusugan. Nakatutulong ito sa inyo pareho na magkaroon ng magandang panimula sa pagpapasuso. Maaaring masanay muna sa iyong utong ang iyong sanggol.
Laging hugasan ang iyong mga kamay bago magpalabas ng gatas mula sa iyong suso.
Pagpapasigla sa pagdaloy ng gatas
-
Maglubog ng isang bimpo sa napakainit na tubig at pigain ito.
-
Ilagay ang isang maligamgam na bimpo sa ibabaw ng bawat suso upang painitin ang mga ito.
-
Marahang imasahe ang iyong mga suso upang pasiglahin ang pagdaloy ng gatas.
-
Magsimula sa ilalim ng braso at ilipat sa paligid ng buong suso.
-
Gamitin ang mga likod ng iyong kuko upang marahang himasin pababa ang balat ng iyong mga suso mula sa labas papunta sa iyong mga utong.
-
Kung malayo ka sa iyong sanggol, maaaring makatulong sa pagdaloy ng iyong gatas ang pagtingin sa larawan ng iyong sanggol.
Pagpapalabas sa pamamagitan ng kamay o pump
Matutulungan ka ng iyong consultant sa pagpapasuso na piliin ang pinakamainam na paraan para sa iyong mga pangangailangan. Narito ang ilang payo:
-
Binabawasan ng mano-manong pagpapalabas ng gatas ang presyon sa namamaga o tumatagas na mga suso. Maaring magandang paraan ito upang simulan ang sesyon ng pag-pump. Kung kailangan mong magbigay ng pinalabas na gatas sa iyong sanggol sa mga unang ilang araw pagkatapos manganak, kadalasang nakatutulong ang mano-manong pagpapalabas na magkaroon ng mas maraming colostrum kaysa paggamit ng pump. Hilingin sa iyong nars o midwife na turuan ka kung paano magpalabas nang mano-mano.
-
Simulang magpalabas sa loob ng 6 na oras ng pagkahiwalay mula sa iyong sanggol sa ospital.
-
Kapag naihiwalay mula sa iyong sanggol, pinakamabuti na magpalabas nang kasing dalas at kasing tagal ng pagsuso ng sanggol. Sumususo ang mga bagong silang nang 8 hanggang 12 beses sa bawat 24 na oras.
-
Marahang hinihila ng pump ang iyong utong sa cup tulad ng pagsipsip ng sanggol at maaaring pinakamabilis na paraan upang magpalabas pagkatapos pumasok ang iyong gatas. May mga pump na mano-mano, pinatatakbo ng baterya, at mga istilong de-kuryente. Upang maprotektahan ang iyong mga suso at ang gatas na pina-pump mo, sundin ang mga tagubilin na kasama ng iyong pump.
-
Para sa may sakit o maagang isinilang na mga sanggol na hindi pinasususo sa suso, isang espesyal na paraan ang "aktuwal na pag-pump" upang makatulong na masiguro na nakakukuha ka ng sapat na gatas. Kabilang sa aktuwal na pag-pump ang kombinasyon ng parehong mano-manong pagpapalabas at de-kuryenteng pump.
-
Maaaring mapataas ng mano-manong pagpapalabas habang gumagamit ng pump ang dami ng gatas na maaari mong i-pump. Maaari din nitong mapataas ang nilalamang taba ng na-pump na gatas.
-
Karaniwan kang makakabili o makapagrerenta ng pump mula sa botika o tindahan ng mga medikal na kagamitan. Magtanong sa iyong ospital upang malaman kung saan makakabili o makapagrerenta ng pump.
 |
Mano-manong pagpapalabas. |
 |
Paglalabas ng gatas gamit ang double pump. |
Pagtatrabaho at pagpapasuso
-
Magpasuso sa iyong sanggol sa lahat ng oras sa panahon ng iyong maternity leave. Nakatutulong ito na magkaroon ka ng supply ng gatas para sa buong taon.
-
Kapag nasa 2 linggo na ang edad ng iyong sanggol, simulan ang pag-pump pagkatapos mong pasusuhin ang sanggol. Maaari mong ilagay sa freezer ang inilabas na gatas na ito. Makatutulong ito sa iyo na magkaroon ng supply para sa pagbalik sa trabaho. Makatutulong ang pagpapasuso at pag-pump na makagawa ng mas maraming gatas ang iyong mga suso. Mainam ang pagpapasuso sa iyong sanggol mula sa iyong mga suso. Kung kailangan mong malayo sa iyong sanggol, maaari kang maglabas ng gatas mula sa iyong suso. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pinakamahuhusay na paraan upang ipasuso sa iyong sanggol ang nailabas na gatas mula sa dibdib.
-
Pagpapalabas ng gatas sa panahon ng pahinga sa trabaho. Tumutulong ito na maprotektahan ang iyong supply ng gatas. Tumutulong din ito na maiwasan ang lumalaki o tumatagas na mga suso.
-
Isaayos ang pagpapasuso sa tanghalian kung malapit ang nag-aalaga sa iyong anak. Kung hindi, tiyakin na mag-pump sa oras ng iyong pananghalian.
-
Magpasuso bago ka umalis para sa trabaho at pag-uwi sa bahay. Maaaring gumawa ang iyong asawa ng hapunan habang pinapasuso mo ang sanggol.
-
Magpasuso sa gabi at tuwing Sabado at Linggo. Pananatilihin nito ang supply ng iyong gatas. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pinakamahuhusay na paraan upang magpasuso ng inilabas na gatas sa iyong sanggol.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.