Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-inom ng ACE inhibitors

Ang pangalan ng ACE inhibitor ay:

______________________________

Bakit Kailangang Inumin Ang Iyong ACE Inhibitor

  • Binibigyan ka nito ng higit na enerhiya upang gawin ang mga bagay na iyong ikinasisiya.

  • Tinutulungan ka nitong makaiwas sa ospital.

  • Tinutulungan ka nitong mabuhay ng matagal.

Mga Payo na Makakatulong sa Iyo

  • Sundin ang fact sheet na kasama ng iyong gamot. Ipinababatid nito kung kailan at papaano ito iniinom. Humingi ng pilyego kung wala kang natanggap.

  • Magkaroon ng kaugaliang pamamaraan ng pag-inom ng iyong gamot. Inumin ito sa parehong oras bawat araw. Ang isang orasan na may alarm ay makakatulong.

  • Inumin ang iyong gamot ng hindi bababa sa 1 oras bago kumain, kung ikaw ay umiinom ng captopril o moexipril, na inilalarawan sa tagubilin ng tagagawa, o 2 oras matapos mong kumain. Maaari mong inumin lahat ng ibang ACE inhibitors ng anumang oras, ayon sa tagubilin ng iyong doktor.

  • Huwag babaguhin ang dosis o itigil ang pag-inom ng iyong gamot, maliban na lamang kung ito ay sabihin ng iyong doktor. Maaaring abutin ng ilang linggo bago mo maramdaman ang pagtalab ng gamot.

Closeup ng mga kamay ng lalaking naglalagay ng mga gamot sa organizer ng tableta.

Kailan Kailangang Tawagan Ang Iyong Doktor

  • Ikaw ay may pagtatae, pagduduwal, pagsusuka, o ikaw ay nagpapawis. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng pagkawala ng tubig (dehydration) at mababang presyon ng dugo.

  • Ikaw ay may tuyot, malat na ubo o magang lalamunan.

  • Ikaw ay nakararamdam ng pagkahilo, panlalabo, o mayroong pananakit ng ulo.

  • Ikaw ay may lagnat o panginginig, hirap na paghinga o paglunok, o pamamaga sa iyong muka, bibig, braso, binti, bukung-bukong, o paa. Ang mga ito ay maaaring palatandaan ng isang allergic na reaksyon (allergic reaction).

  • Ikaw ay may iba pang hindi pangkaraniwang sintomas.

Online Medical Reviewer: Callie Tayrien RN MSN
Online Medical Reviewer: Stacey Wojcik MBA BSN RN
Online Medical Reviewer: Steven Kang MD
Date Last Reviewed: 3/1/2022
© 2000-2026 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer