Matapos ang Hip Replacement: Pagpapagaling sa Bahay
Kung ikaw man ay nagpapagaling sa bahay o sa isang pasilidad para sa rehabilitasyon, kailangan mong protektahan ang iyong bagong balakang. Umupo at gumalaw gamit ang mga paraan na itinuro sa iyo sa ospital. Siguraduhing makipagkita sa iyong siruhano para sa naka-iskedyul na follow-up na pagbisita, at manumbalik sa mga aktibidad ng dahan-dahan. Ang isang total hip replacement ay isang malaking operasyon, kaya wag ikagugulat kung umabot ng ilang buwan bago ikaw ay tuluyan maging mabuti ang pakiramdam.

Makipagkita sa Iyong Siruhano
Ang mga pagbisita matapos ang operasyon ang nagpapahintulot sa iyong siruhano na makasiguro na ang iyong balakang ay gumagaling ng maayos. Ang mga tahi o staple ay kadalasang tinatanggal 2 linggo matapos ang operasyon.
Kailan Tatawagan ang Siruhano
Tawagan ang iyong siruhano kung ikaw ay mayroon ng alinman sa mga sintomas sa ibaba:
-
Lumulubhang pananakit ng balakang
-
Pananakit o pamamaga sa kalamnan ng binti o biyas
-
Hindi pangkaraniwang pamumula, init, o tagas sa dako ng hiwa.
-
Hirap na paghinga o pananakit ng dibdib
-
Lagnat na mas mataas sa101°F
Panunumbalik sa Aktibidad
Magsanay na maglakad ng araw-araw. Subukang gumawa ng mas marami sa bawat linggo. Mag-umpisa sa pagkuha ng sariling baso ng tubig. Kung maganda ang panahon, lumakad sa kanto upang magpadala ng sulat. Ipagpatuloy ito—iyon ang pangunahing layunin.
Pag-upo at Pagbibihis
Upang protektahan ang iyong bagong balakang, isang occupational therapist o physical therapist ang magtuturo sa iyo ng mga ligtas na paraan ng paggawa ng iyong pang araw-araw na gawain. Gamitin ang mga sumusunod na payo sa pag-upo, pagbibihis o sa paggamit ng hagdan.
-
Sa pag-upo,umatras hanggang sa ang dulo ng upuan ay dumidikit sa iyong binti. Pagkatapos, gamit ang mga armrest upang suportahan ang iyong timbang, ibaba ang iyong sarili sa upuan. Palaging panatilihing nasa harap ang binti na na-operahan.
-
Sa pagsusuot ng medyas at sapatos, gumamit ng isang aparato na may mahabang hawakan, katulad ng grasper o kawit. Subukan ito sa mga slip-on na sapatos sa una.
-
Sa paghuhugas ng iyong paa at binti, gumamit ng spongha na may mahabang hawakan at isang shower hose.
-
Sa paggamit ng hagdan, itapak muna ang iyong mahusay na binti. Pagkatapos ay isunod ang binting na-operahan upang magtagpo ang dalawa. Sa pagbaba, itapak muna ang binti na na-operahan.
Panunumbalik sa Pakikipagtalik
Matapos gumaling ng hiwa at ikaw ay nagagawa ng igalaw ang iyong balakang, ikaw ay maaaring handa ng makipagtalik. Tanungin ang iyong siruhano o sa nars sa kanyang opisina ukol sa mga ligtas na posisyon tuwing magtatalik.
Ang Pagpapanatili ng Iyong Bagong Kasukasuan.
Ang impeksiyon sa iyong katawan ay maaaring makasama sa iyong bagong kasukasuan. Makipag-usap sa iyong siruhano bago iiskedyul ang anumang medikal o dental na pamamaraan. Ikaw ay maaaring mangailangan na uminom ng antibayotiko upang maiwasan ang impeksiyon. Upang masuri ang tibay ng kasukasuan sa paglipas ng panahon, ikaw ay maaaring magpa x-ray kada isa o dalawang taon.